-- Advertisements --

Kinumpirma ng Russian embassy na kasalukuyang hawak ng North Korea ang 15 Russian at dalawang South Korean crew na sakay ng fishing vessel na pagmamay-ari ng Russia.

Hinuli ang Russian fishing vessel matapos nitong di-umano’y lumabas sa entry regulations ng North Korea.

Ikinulong ng North Korean border guards ang 17 crew noong Hulyo 17 at ngayon ay namamalagi ang mga ito sa isang hotel sa Wonsan City.

Nasa nasabing lungsod din ang barko na Xiangheilin-8, pagmamay-ari ng Northeast Fishery Company mula Nevelsk, Russia.

Hindi naman kaagad na nagbigay ng komento patungkol dito ang South Korea’s Foreign Ministry.

Noong Lunes lamang nang bigyan ng tsansa ang ilang opisyal ng Russian consular na bisitahin ang mga bihag.

Sinigurado naman nila na nasa maayos na kalagayan ang 17 crew members.

Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang Russian embassy sa North Korean government upang resolbahin ang naturang isyu.