-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kinilala bilang competent ang labing-anim (16) na Day Care Workers ng Kabacan ng National Child Development Center ng Rehiyon Dose.

Iginawad naman ang pagiging Outstanding Day Care Worker ng Rehiyon Dose kay DCW President ng Kabacan na si Gng. Nida Manuel.

Nagalak naman si Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa parangal na tinanggap ng mga Day Care Workers ng Kabacan.

Aniya, di matatawaran ang pagseserbisyo ng mga DCW para makatulong sa paghulma ng kinabukasan ng ating mga kabataan.

Para sa lalawigan ng Cotabato, tanging bayan lamang ng Arakan at Kabacan ang lumahok sa nasabing kompetisyon.