-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Mayroong 17 pinoy crew ng isang U.S. shipping company ang stranded ngayon sa Bahamas at humihingi ng tulong sa pamahalaan ng Pilipinas para ma-repatriate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Florita Veterbo , Pangulo ng Filipino Association sa Bahamas na humihingi na ng tulong ang shipping company sa pamahaaan ng Pilipinas upang makauwi na ang 17 filipino crew dahil sa walang flight patungong Pilipinas.
Bukod dito ay mayroon na ring dalawang hotel workers sa Bahamas ang humihingi na rin ng repatriation na kanya nang inaasikaso.
Sa ngayon anya ay kanselado ang lahat ng mga flights papuntang Pilipinas kaya kinukopkop na lamang ng mga Pilipino ang mga kapwa Pilipino na naapektuhan ng COVID 19.