Iniulat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nasa mahigit 270,000 overseas Filipino workers na ang napauwi sa bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac na nakauwi na sa kanilang mga lugar ang mga OFWs.
Ipinagmalaki nito na nabigyan na sila ng ayuda, dumaan sa test, nag-quarantine at nahatid sa kani-kanilang probinsya.
Aniya, nakikipag-uganayan siya sa 17 mga government laboratories upang magsagawa ng COVID-19 tests sa mga OFW matapos umatras ang Philippine Red Cross sa pagsagawa ng swab samples ng mga ito.
Kung maalala, nababahala ang Department of Labor and Employment na maaaring umakyat sa 700,000 ang bilang ng mga OFW na hindi ma-swab test kapag nabigo ang gobyerno na tugunan ang health crisis. (with report from Bombo Jane Buna)