CAGAYAN DE ORO CITY – Nasa kostudiya na ngayon ng Bureau of Immigation (BI) Region 10 at Region 17 ang mga negosyanteng Intsik na hinuli ng pulisya sa Valencia City, Bukidnon.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Valencia police chief Col. Surki Sereñas na kanilang hinuli ang mga Chinese traders bunsod sa kanilang pagnenegosyo na walang kaukulang business permit.
Batay sa datos mula sa BI, iligal ang pananatili ng nasabing mga banyaga rito sa bansa dahil sa kawalan ng kompletong immigration documents.
Ayon kay Serenias, mula pa noong taong 2000 dumating sa Pilipinas ang mga Chinese traders bilang mga turista, ngunit hindi na sila bumalik sa kanilang bansa, bagkos nag-engage ang mga ito sa pagnenegosyo.
Kabilang sa mga nahuli sila si Jin Kuang Cai, Zheng Chu Bao, Sy Hill, Bryan Ta,Jems Ta, Sevee Co, Anna Zia, Junior Chan, Jacky Hui; Hehry Hui at Joseph San.
Inihanda ng BI ang kaukulang kaso laban sa naturang mga negosyanteng dayuhan.