-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Aabot na sa 17 mga indibidwal ang nahuli dahil sa isyu ng vote buying sa buong Rehiyon 10.
Ito ang naging kumpirmasyon ni Police Regional Office (PRO-10) spokesperson Lt. Col. Surki Sereñas sa panayam ng Bombo Radyo.
Ayon kay Sereñas, pawang nakasuhan na sa korte ang mga suspek kung saan dalawa sa nasabing bilang ang nagmula sa Bukidnon, lima sa Lanao del Norte, dalawa sa Misamis Occidental at pito sa Iligan City.
Nasa kabuuang P1,125,418 naman ang pera na narekober ng pulisya sa mga suspek.
Samantala, nasa 14 na personalidad din ang nahuli sa buong rehiyon dahil sa liquor ban.