-- Advertisements --
Pumalo na sa 17 katao ang nasawi sa naganap na landslide sa Kampala, Uganda.
Naganap ang insidente sa mahigit 14 ektarya ng Kiteezei landfill kung saan bumigay ito dahil sa ilang araw na walang tigil na pag-ulan.
Patuloy ang ginagawang paghuhukay ng mga otoridad para mahanap ang ilang mga biktima na natabunan.
Nasawi ang mga biktima matapos na matabunan ang kanilang kabahayan sa gumuhong bulubunduking basura.
Nagpatawag na ng imbestigasyon si Ugandan President Yoweri Museveni kung saan nais niyang malinawan kung bakit pinayagan ang mga residente na manirahan sa lugar na ito ay maituturing na napakadelikado.