-- Advertisements --

Nasa 17 katao ang naiulat na nawawala matapos ang paglubog ng tourist boat sa Red Sea.

Ang barko ay mayroong sakay na 31 na turista at 14 crew kung saan 28 sa mga dito ang nailigtas.

Ayon sa mga otoridad na nakatanggap silang distress signal mula sa barkong Sea Story.

Umalis ng pantala malapit sa Marsa Alam ang Sea Story para sana sa limang araw na diving trip.

Sinabi ni Maj-Gen Amr Hanafi , nakit ang mga survivors sa Wadi el-Gemal sa timog na bahagi ng Marsa Alam.

Dinala na agad ang mga ito sa pagamutan para mabigyan ng paunang lunas.

Pinaigting na ng Egyptian Navy warship El Fateh at military aircraft ang paghahanap sa mga nawawalang bikitma.