Pumalo na sa 17 ang bilang ng mga taong nasawi dahil sa epekto ng sakit na rabies sa Quezon City.
Ito ay batay sa datos na inilabas ng Quezon City Local Government Unit mula Enero 2019 hanggang Mayo ng taong kasalukuyan.
Habang higit 90% na kaso naman ng Human Rabies ay naitalang nanggaling mula sa mga aso.
Dahil dito, pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang kanilang mga residente na huwag ipagwalang-bahala ang kalmot o kagat ng anumang hayop dahil lubhang mapanganib at nakamamatay ito kung sakaling hindi maaagapan.
Hinikayat naman ng Quezon City Local Government Unit ang publiko na pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa upang hindi magkaroon ng impeksyon kung sakali mang makagat ng isang infected na hayop
Samantala kung nakagat o nakalmot naman daw ng hayop ay kaagad na kumunsulta sa pinakamalapit na animal bite centers o sa iba pang veterinary services ng lokal na pamahalaan upang makatanggap ng libreng bakuna at agarang lunas.