Nasa downward trend na ngayon ang reproduction number o bilang ng nahahawaan ng COVIC-19 sa lahat ng local government units sa National Capital Region.
Ayon sa latest monitoring ng OCTA Research Group, bumaba sa less than 0.9 ang kabuuang COVID reproduction number ngayon ng mga LGU sa rehiyon na itinuturing na nasa low risk.
Iniulat ni OCTA fellow Dr. Guido David na karamihan ng reproduction number ng mga LGUs ay pumapalo sa 0.5 hanggang 0.6 habang ang lokalidad ng Navotas ay inuuri na nasa very low risk ng coronavirus.
Samantala, hindi anman nababahala ang independent growth sa nakikitang one-week positivity growth rate sa NCR na ngayon ay bumaba sa 5% na ikinokonsiderang nasa low risk.
Itinuturing ding mababa na ang healthcare utilization sa rehiyon na nasa 30% habang ang 7 day average ng COVID-19 cases naman ay bumaba pa sa 14%.
Samantala, ayon pa sa OCTA nakikitaan na rin ng pagbaba ng COVID-19 infections maging sa iba pang mga rehiyon.