-- Advertisements --

Umaabot sa kabuuang 17 million na mga tickets ang hiniling umano ng mga football fans mula ng buksan ang bentahan ng tickets para sa nalalapit na FIFA World Cup Qatar 2022.

Sinasabing inabot lamang ng 20 araw ang sales period na nagtapos ngayon kung saan ang pinakamaraming mga request ay nagmula sa host country na Qatar.

Mabentang mabenta rin ang mga tickets mula sa mga bansang Argentina, Brazil, England, France, India, Mexico, Saudi Arabia, UAE at Amerika.

FIFA worlc cup qatar

Ang may pinakamarami umanong demand sa tickets ay ang Dec. 18 sa Lusali Stadium na umabot sa 1.8 million requests na siya namang nakatakda ang final competition.

Sa darating na March 8, 2022 malalaman ang kumpirmasyon sa mga tickets request kung pagbibigyan ang mga fans.