-- Advertisements --

Hindi bababa sa 17 mga mag-aaral ang nasawi matapos na masunog ang dormitoryo sa isang elementary school sa central Kenya.

Naganap ang insidente sa Hillside Endarasha Academy sa Kieni, sa Nyeri county.

Ayon sa mga otoridad na mayroong 14 na katao rin ang nasugatan sa insidente.

Hindi na lubos makilala pa ang mga biktima dahil sa labis ang pagkakasunog sa mga bangkay.

Inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng nasabing sunog.

Base sa pagtaya ng education ministry ng Kenya na mayroong 824 na mag-aaral ang naka-enroll sa nasabing paarala na binubuo ng 402 na lalaki at 422 na mga kababaihan.

Sinabi naman ni Deputy President Rigathi Gachagua na mayroong 70 pang mga bata ang hindi pa nabibilang.