-- Advertisements --

alakdan1

Nasa 17 miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa Joint Task Force Sulu, partikular sa 1103rd Infantry Brigade.


Kasama sa mga nagbalik loob sa pamahalaan ay ang pamilya ng nasawing ASG sub- leader na kilalang bomb maker at ISIS liason to ASG na si Abu Talha.

Kabilang sa mga sumuko na kamag-anak ni Abu Talha ay sina Jumsa Sari, Aizal Jumsah na pawang residente ng Barangay Pansul, Patikul,Sulu.

Ayon kay JTF Sulu Commander MGen. William Gonzales, nasa 12 mga armas ang isinuko ng mga dating bandido na kinabibilangan ng apat na M1 Garand rifle, dalawang M16 rifle, dalawang US cal .30 M1 rifle , M14 rifle at dalawang cal 45 baril.

Sumuko din sa pamahalaan si Ibrahim Asara ,isa sa mga sub-leader at siyang unang lumutang sa 4th Marine Brigade sa Kanmindus,Luuk, Sulu.

Batay sa report ang grupo ni Asara ang sinasabing dumukot sa dating ABS-CBN na si Ces Drilon sa Maimbung, Sulu noong 2008.

Ayon kay Gonzalez isa pang ASG sub-leader na hindi pinangangalan ang sumuko at mino monitor ngayon ng militar.

Ang nasabing grupo ang siyang nasa likod sa local and international kidnapping activities.

” This was beyond imagination not so long ago. Sabi nila dati kapag Sulu-based ASG , pipiliin pang mamatay kaysa mag-surrender. Pero ngayon nakikita natin, hindi naman ito surrender na ibig sabihin ay talo ka. Kapag lumapit sa JTF Sulu, tinatanggap natin bilang kapatid, kaakibat nito ang oportunidad na makalaya sa maling ideyolohiya, makalaya sa maling gawain, oportunidad para sa isang tahimik na buhay,” pahayag ni MGen. Gonzales.