-- Advertisements --

ROXAS CITY – Dinala sa Dao District Hospital ang labinpitong indibidwal na diumano’y nalason mula sa kinaing ginataang bilo-bilo sa bayan ng Dao, Capiz.

Sa Panayam Ng Bombo Radyo Sa Isa Mga Mga Biktima Na Kinilala Kay Josefina Ecaran, tinuturong dahilan ng pagkalason ang hindi inaasahang may napasamang nakalalasong halamang ugat sa nilutong kakanin ng kanyang ina.

Ayon kay Ecaran na kinaugalian na nilang mamahagi ng mga nilulutong kakanin sa kanilang kapitbahay subalit makaraan ang ilang minuto ay ipinagtaka nila nang halos lahat ng mga kumain ay sumakit ang ulo at tiyan habang ang mga ito’y nagsusuka.

Dahil sa pangyayari ay taos-pusong humingi ng tawad si Ecaran sa kanilang kabitbahay dahil sa pangyayaring hindi inaasahang masama sa sangkap ang nakalalasong halamang-ugat.

Sa ngayon ay nasa stable na ang kondisyon ng mga biktima habang 9 pa ang patuloy na binabantayan ang estado sa nasabing hospital.