-- Advertisements --
SUNOG
fire isolated over black background

Nag-iwan ng labing pitong patay ang malawakang sunog na naganap sa isang fuel depot sa Jakarta, Indonesia noong Biyernes ng gabi.

Tinatayang nasa 50 na individual ang dinala sa ospital matapos magtamo ng injuries habang 2 bata naman ang malubhang napuruhan sa nasabing sunog

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad , nagsimula ang apoy na sa Plumpang fuel station na pagmamay-ari ng state energy company na Pertamina at kumalat ito patungo sa kalapit na lugar ng Tanah Merah sa North Jakarta.

Daan-daang mga tao sa kabahayan na may malaking populasyon ang nagsipag-takbuhan sa takot habang inaapula ng mga bumbero ang apoy sa naturang lugar.

Mahigit 600 naman na individual ang inilikas nang magsimulang sumiklab ang sunog ayon sa mga opisyal.

Umaapila rin sa gobyerno ng Indonesia ang pamilya ng dalawang bata na halos buong katawan ay nasunog sa insidente.