-- Advertisements --

Nasa 17 katao na ang nasawi dahl sa pagtama ng hurricane Helene sa Florida.

Sinasabing madadagdagan ang bilang ng mga biktima dahil marami pa ang hindi nakakalabas sa kanilang Bahay at mga gusali kaya patuloy ang ginagawang rescue.

Sinabi ni Georgia Governor Biran Kemp na mayroong 11 katao na rin ang nasawi sa kaniyang estado.

Maraming mga residente rin sa Florida ang nawalan ng suplay ng kuryente.

Ang hurricane Helene ay lumaka pa ng category 4 noong ito ay naglandfall a Florida.