Patay ang 17 katao samantalang 22 ang sugatan matapos araruhin ng truck ang mga taong nakikiramay sa libing sa China.
Naganap ang nasabing aksidente sa Nanchang County sa probinsya ng Jiangxi.
Agad namang dinala sa ospital ang mga naitalang sugatan at ngayon ay iniimbestigahan ang dahilan ng aksidente.
Makalipas ang ilang oras, nagbabala ang Nanchang County traffic police sa mga driver na ang nasabing lugar ay nakakaranas ng “foggy weather”.
“Driving visibility is poor, there is low visibility, which can easily cause traffic accidents,” ayon sa Nanchang County traffic police.
Dagdag pa nila, pagtuonan umano ng pansin ang mga fog lights, magdahan-dahan sa pagpapatakbo, panatilihin ang distansya sa nasa unahang sasakyan, iwasan ang mga pedestrian at huwag mag-oovertake.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay mayroon ring namatay dahil sa aksidente sa kalsada at Setyembre noong nakaraang taon rin, 27 katao naman ang naitalang nasawi sa pagbaliktad ng isang bus.