Patay ang nasa 17 katao dahil sa pag-inom ng alak sa Kampala, Uganda.
Karamihan sa mga biktima na mula sa Arua City ay uminom ng local na gin na tinawag na City 5.
Ang nasabing alak aniya ay naglalaman ng methanol isang nakakalasong uri ng alkohol.
Ayon kay Uganda National Bureau of Standards na base sa kanilang isinagawang imbestigasyon, na lumalabas na masyadong marami ang inilagay na level ng methanol.
Posible dinamihan ng negosyante ang methanol na mas mura sa ethanol na karaniwang inihahalo sa pagga
wa ng mga nakakalasing na inumin.
Naaresto na ng mga kapulisan ang apat na suspek kabilang ang gin manufacturers at kanilang ipinasara na rin ang nasabing pagawaan ng alak.
Taon-taon ay ilang katao sa Uganda ang nasasawi dahil sa pag-inom ng mga alak na hindi rehistrado o mga inimbento lamang.