-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tumaas ang bilang ng mga nasawi at naospital sa dengue sa rehiyon-12 mula buwan ng Enero hanggang April 2019.

Kinumpirma mismo ni Jenny Panizales ng Department of Health (DOH-12) umaabot sa 4, 631 ka tao ang naospital na mataas sa 159% kung ikumpara noong 2018.

Ang probinsya ng Cotabato at South Cotabato ang may pinakamaraming bilang ng namatay dahil sa sakit na dengue na tig-pito habang tatlo naman sa probinsya ng Sarangani.

Umakyat naman sa 1,613 ang kaso ng dengue sa North Cotabato habang 1,421 naman sa South Cotabato.

Dagdag ni Panizares na alarming na ang bilang ng mga nasawi at naospital sa rehiyon-12 dahil sa dengue.

Tinuturing na “hotspots” dahil sa mataas na kaso ng dengue ang Barangay Sto. Nino sa Koronadal City, Barangay Dumadalig sa Tantangan, South Cotabato at Brgy Malalag Maitum Sarangani Province.

Hinikayat ng DOH ang mga residente sa rehiyon-12 na maglinis sa kanilang paligid,gumamit ng kulambo sa pagtulog at sundin ang 4 o clock habit.