-- Advertisements --
Tajikistan
Tajikistan

Nasa 17 katao ang patay ng atakihin ng Islamic State (IS) group militants ang checkpoints sa Tajikistan.

Napatay ng nasa 20 mga fighter ang border guard at mga kapulisan sa border ng Tajikistan at Uzbekistan.

Napatay din ng mga otoridad ang 15 na mga militants.

Agad namang isinara ng mga otoridad ang kalsada at patuloy nila itong binabantayan.

Naganap ang pangyayari isang araw matapos na nagkasundo ang Tajikistan at Uzbekistan na ayusin na ang kanilang alitan dahil sa border.

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay inako na ng IS ang ilang mga pang-aatake sa Tajikistan.