-- Advertisements --

Nasa 17 katao ang patay sa pagguho ng simbahan sa Ghana.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nasa 60 katao ang nasa loob ng Church of Prosperity ng ito ay gumuho sa bayan ng Akyem Batabi.

Sinabi ni National Disaster Management Organization official Gyan Willington, na posibleng marami pa rin ang natabunan sa loob ng simbahan.

Nakikipagtulungan na rin sa mga otorida ang founder ng simbahan na si Prophet Isaac Ofori o kilala bilang si Akoa Isaac.

Inaalam pa kasi ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing insidente.