-- Advertisements --
viber image 2023 04 19 13 40 54 318

Nagsagawa ang Department of Labor and Employment – National Capital Region ng profiling sa 17 Persons Deprived of Liberty ng New Bilibid Prison Minimum Security Compound para sa posibleng cash at livelihood assistance na ipagkakaloob sa kanila sakaling tuluyan na itong makalaya sa loob ng piitan.

Pinangunahan ito ng kinatawan ng DOLE-NCR na si Ms. Aurora E. Falcon, Senior Labor Officer at ni Derrick Ian Tutay, Labor and Employment Officer II katuwang sina Acting Superintendent C/SINSP Eusebio B.Del Rosario Jr. MPAL at ni Deputy Superintendent for Administration na si CS04 Emmanuel G. Vinoya.

Bago ang panayam, maikling tinalakay ni C/SINSP DEL ROSARIO JR, ang iba’t ibang aktibidad sa repormasyon na iniaalok ng administrasyon ng bilangguan tungo sa muling pagbabagong buhay ng mga PDL.

Nagpasalamat naman si CT/SUPT Noel Marquez sa livelihood program ng Dole na makatutulong sa mga PDLs na magkaroon ng potential income generating activities matapos nilang lumaya.

Ang aktibidad na ito ay bahagi parin ng proyekto ng Department of Justice, Bureau of Corrections at ng Department of Labor and Employment