-- Advertisements --

Puspusan na ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para mapakawalan na rin ang 17 Pilipinong seaferers na kabilang sa nabihag sa na-hijack na cargo ship sa Red Sea ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Iniulat din ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza na nasa magandang kalagayan ang mga seaferer na binihag ng rebeldeng grupo na Houthi.

Ngayong araw nga ay kinansela na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kaniyang biyahe patungong Dubai sa United Arab Emirates para dumalo sana sa 2023 United Nations Climate Change Conference o COP28 para tutukan ang kalagayan ng mga nabihag na Pilipinong seaferer kung saan pinangunahan ng Pangulo ang pagpupulong para sa pagdeploy ng delegasyon ng bansa patungong Tehran sa Iran upang makapagbigay ng kailangang tulong para sa mga seaferers.

Ang rebeldeng Houthi ay ang kaalyado ng Iran na naglulunsad ng long-range missile at drone salvoes sa israel bilang pakikiisa sa laban ng militanteng Hamas sa Gaza strip.