-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na pansamantalang pinalaya ng Qatari authorities ang 17 Pilipinong nakulong dahil sa pagdalo sa kilos-protesta sa Doha, Qatar nooong March 27.

Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, ginawaran ng “provisional release” ang mga Pilipino habang nakabinbin ang imbestigasyon.

Sinabi ni Cacdac, unang pinalaya ang 12 lalaking Pilipino kaninang alas-dos ng umaga, oras sa Qatar, habang pinalaya ang limang babae bandang alas-kwatro ng umaga.

Paliwanag ng kalihim, ang pagpapalaya sa mga naturang Pilipino ay bunga ng direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. na tiyakin ang agarang pagpapalaya sa mga kababayan at pagbibigay ng legal at welfare assistance sa mga nasabing Pilipino.

Kasamang inaresto noon ang tatlong menor de edad na una na ring pinalaya ng mga awtoridad.