-- Advertisements --

Nasa ligtas na kalagayan ang lahat ng 17 mga Filipino seafarers matapos na atakihin ng mga Houthi rebels ang sinasakyang nilang Liberian-flagged container vessels sa Gulf of Aden.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) na tinamaan ng ballistic missiles noong Agosto 3 ang MV Groton.

Mayrong kabuuang 1 crew members na nakasakay.

Patuloy ang ginagawang monitoring ng DMW at sila ay handang tulungan ang mga pamilya ng mga seafarers.