-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nanawagan ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang 17 Pinoy Seafarer kabilang ang ilang taga Isabela na nastranded ng mahigit dalawang buwan sa Uruguay.

Sa grupong panawagan nila sa pamahalaan ay humingi sila ng tulong kay Pangulong Duterte at iba pang ahensya ng pamahalaan na tulungan silang mapadali ang kanilang pag-uwi dahil hindi na sila inaasikaso ng kanilang agency.

Sinabito nito na 19 silang seaferer na stranded at mahigit dalawang buwan na sila sa Uruguay

Sinubukan na nilang makipag-ugnayan sa kanilang agency gayundin sa kanilang pamilya subalit hanggang ngayon ay wala silang tugon.

Sinabi nila na dalawang beses silang kumain sa loob ng isang araw at kinakalawang din ang ginagamit nilang tubig.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jordan Calolo ng Salay, Angadanan, Isabela, isa sa labing pitung seaferers, sinabi niya na may namatay na kanilang kasamahan noong ikatlo ng 2020 at hindi sila sigurado sa sakit na kanyang ikinamatay subalit hirap siyang umihi at namamaga ang kanyang binti.

Hindi siya nabigyan ng medical assessment at hindi man lamang binigyang pansin ng kanilang kapitan ng barko gayundin ang kanilang agency dito sa Pilipinas na Globa Marine and Offshore Resources Incorporated.

Nang mailipat sila ng barko ay naiwan na ang katawan ng kanilang kasamahan na namatay.

Dahil dito hiniling nila na matulungan silang mapanagot ang kanilang Manning agency dahil sa pagpapabaya sa kanila.

Sa naging panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Secrteray Bello, nangako siyang tutugunan ng DOLE ang panawagan ng mga nasabing Seafarer.

Aniya, wala silang tanggapan sa Uruguay subalit kinuha niya ang pangalan ng mga seaferer at ibibigay sa embahada ng Pilipinas sa Uruguay gayundin na kinuha ang pangalan ng agency ng mga seaferer ng kanilang agency dito sa Pilipinas.

Ayon kay kalihim Bello, kapag hindi tumulong ang agency ng mga seaferer dito sa Pilipinas ay maaaring kanselahin ang kanilang lisensya.