Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa mabuting kalagayan at maayos na kalusugan ang 17 Filipino seafarers na na-hostage ng mga Houthi rebels.
Kung maaalala, isang buwan at kalahati na mula ng maharang ang kanilang sasakyang pandagat sa may bahagi ng Red Sea ng nasabing grupo.
Ito rin ang naging pagtitiyak ni DFA Assistant Secretary at spokesperson Teresita at sinabi nitong nakipagpulong ang isang opisyal ng Yemen sa mga Pilipino noong Enero 2 upang malaman ang kanilang kalagayan.
Ang 17 Filipino seafarers ay kabilang sa mga tripulante ng Bahamas-flagged Galaxy Leader, isang cargo vessel na nauugnay sa Israel na na-hijack ng mga rebeldeng Houthi sa nasabing karagatan.
Ang iba pang miyembro ng crew ay mula sa Bulgaria, Ukraine, Romania at Mexico.