-- Advertisements --

Tumanggi si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na pangalanan ang 17 potensyal na COVID-19 vaccine na sumasailalim sa evaluation ng vaccine experts panel ng bansa.

“As I have said earlier and also said by Usec. Vergeire, we are advised by the companies not to reveal their names because the evaluation is very critical. It will make some sort of judgement in their application,” wika ni Galvez sa isang virtual presser.

Pero sinabi ni Galvez, ang mga pharmaceutical firms ay mula sa United States, China, Russia, United Kingdom, Japan, India, Israel at Germany.

Una nang sinabi ni Galvez na nag-alok ang British-Swedish pharmaceutical firm AstraZeneca ng pinakamurang potensyal na bakuna laban sa dealy virus.

Sa kasalukuyan, tanging ang Chinese vaccine Sinovac ang binigyan ng clearance ng vaccine experts panel ng Department of Science and Technology.

Gayunman, kailangan pa rin ng Sinovac ng approval mula sa Ethics Board at sa Food and Drug Administration bago ito masuri sa clinical trial.