-- Advertisements --

Nasa 17 kapulisan ang patay matapos dapuan ng coronavirus sa Peru.

Aabot rin sa mahigit 1,000 na kapulisan pa rin ang nadapuan ng virus.

Dahil sa insidente ay nagbitiw sa kaniyang puwesto si Interior Minister Carlos Moran dahil sa hindi pagbibigay sa mga kapulisan ng masks at medical care.

Naglaan naman ng $15 million para pambili ng protective equipment sa mga kapulisan ang bagong interior minister.

Umabot na sa mahigit 25,000 ang nadapuan at mayroong 700 ang nasawi sa nasabing bansa.