Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) nasa 17 riding-in-tandem criminals na ang na- neutralize sa loob lamang ng 19 na araw kung saan dalawa dito ay napatay matapos manlaban sa mga pulis habang 15 ang arestado.
Ayon kay PNP Spokesperson CSupt. Dionardo Carlos naka pokus ngayon ang mga pulis sa mga motorcycle-riding crimes kung saan ang mga riding in tandem criminals ang kalimitang sangkot sa mga napaulat na pagpatay at pagnanakaw nitong mga nakaraang buwan.
Ayon kay Carlos batay sa datos ng PNP may 152 motorcycle-riding related incidents naitala mula October 10 hanggang October 29.
Kasalukuhang subject for manhunt operations ngayon ng PNP ang nasa 155 pa na mga suspeks na at large hanggang sa ngayon.
Ayon naman sa DIDM, sa bilang na ito 79 dito ay kaso ng pagpatay, habang 73 ang insidente ng pagnanakaw na kinasangkutan ng 172 suspeks.
Sinabi ni Carlos na ang maagap na pag responde ng PNP ang naging dahilan ng pag neutralisa sa 17 suspeks.