-- Advertisements --

Maraming katao ang sugatan matapos ang banggaan ng dalawang trains sa Salisbury, England.

Nangyari ang insidente malapit sa London Road kung saan nagbanggaan ang train ng South Western Railways at Great Western services.

Nasa 17 katao ang itinakbo sa pagamutan matapos masugatan habang ligtas din na nailabas sa pagkakaipit ang driver ng train.

Base sa imbestigasyon na may tinamaan na isang bagay ang isa sa train kaya ito nadiskaril na nagresulta sa pagbangga sa kasalubong nitong train.