-- Advertisements --

Nasa 17 katao na ang sugatan matapos na tamaan ng missile ng Russi ang ilang kabahayan sa Kyiv, Ukraine.

Kabilang sa mga sugatan ang ilang mga bata na tinamaan ng debris at ang ilan ay itinakbo na sa pagamutan.

Naharang naman ng Ukraine ang nasa 31 missiles mula sa Russia.

Dahil sa pangyayari ay muling nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga kaalyadong bansa nito ng dagdag na tulong militar.