LAOAG CITY – Sinabi ni Major Bryan Albano, ang Civil Military Operations Officer ng 501st Infantry ‘Valiant’ Brigade ng Philippine Army, ang pinakabatang naitalang sumukong miyembro ng New People’s Army ay 17 taong gulang at ang pinakamatanda ay 50 taong gulang pataas.
Magsasampa aniya sila ng kaso laban sa New People’s Army dahil mayroon silang dokumentadong kaso ng grupong nagre-recruit ng mga menor de edad sa taong 2017 hanggang 2018 kung saan tinatayang nasa 16 hanggang 17 taong gulang noong sila ay na-recruit.
Paliwanag niya, ipinabatid ni Major Albano na patuloy ang mga programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict kung saan maraming indibidwal lalo na sa Youth’s People Army ang nabigyan ng tulong sa pamamagitan ng Barangay Development Program at Support to the Barangay Development Program.
Kaugnay nito, ang Northern Luzon o dito sa Rehiyon 1 ay nagbigay sa pamahalaan ng mga quick impact projects sa iba’t ibang barangay sa pamamagitan ng community support teams at kabilang dito ang iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Abra.
Ayon sa kanya, mayroon silang kabuuang 69 people’s organization kabilang ang mga dating rebelde kung saan pito sa mga organisasyong ito ang self-sustaining, habang 52 ang rehistrado at nagsisimula ng livelihood projects at may sampung organisasyon na nasa proseso pa rin ng pagpaparehistro para sa mga programang nabanggit.
Samantala, idinagdag niya na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, may kabuuang 343 ang kumpirmadong regular na dating rebelde at mga dokumentadong miyembro ng CPP-NPA-NDF Umbrella na karamihan sa kanila ay nabigyan ng benepisyo at sumasailalim sa interview briefing ng Department of Social Welfare and Development.