-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Maingat na binabantayan ng pulisya dito sa lungsod ang 17 crew ng FB Zamboangga na nahulihan ng 1,070 cartoon ng R & B brand na sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit sa P21M.

Ayon kay PMajor Carl Jayson Baynosa, hepe ng Makar Police Station na sila ang babantay sa nasabing mga suspek habang kakasuhan ng PNP Maritime Group sa paglabag sa Section 1401 ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Dagdag pa ng Opisyal na kustudiya naman ng Bureau of Customs ang 1,070 na cartoon ng sigarilyo matapos i turn over ng Naval Task Force 71 ng Naval Forces Eastern Mindanao, Philippine Navy.

Ayon sa Opisyal na ang 17 crew ang galing pa ng Jolo, Sulu at Basilan Province.

Matatandaan na nahuli ang nasabing fishing boat na papunta sana ng Digos City Davao del Sur subalit nakita ito sa Sarangani straight malapit sa Batulaki, Glan, Sarangani Province.

Sinabi din ng Opisyal na ginagamit na backdoor ng mga smuggler ang Sarangani bay kaya’t madalas ang pagpatrolya ng mga asset ng Philippine Navy sa lugar.