-- Advertisements --

Nasa 17 United States citizens ang tinulungan ng Estados Unidos na makalikas mula sa Gaza City.

Ito ay matapos na maipit ang mga ito sa kaguluhan sa naturang lugar matapos ang pag-atake ng Israeli Defense Forces, at pagsasara ng border ng Rafah crossing sa Egypt.

Sa tulong ng Embahada ng Estados Unidos sa Jerusalem ay ligtas na nakalikas ang naturang American doctors.

Habang patuloy din na nakikipag-ugnayan ang embahada sa grupong kinabibilangan ng naturang mga doktor, gayundin sa kanilang mga pamilya.

Samantala, bukod sa mga ito ay napaulat din na may tatlong iba pang US citizen doctors na pawang mga bahagi ng volunteer medical mission ang mas pinili pa rin na manatili sa Gaza sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon nila ngayon doon para naman sa kanilang layuning magpaabot ng atensyong medikal sa sinumang mangangailangan na apektado ng nagpapatuloy na kaguluhuan ngayon sa naturang lugar.