Patuloy ang pag-aligid ng mga sasakyang pandagat ng China sa West Philippine Sea kabilang ang mga barkong pandigma at kanilang mga research at survey vessel, base sa monitoring ng Philippine Navy.
Sa datos ng ahensiya, namataan ang nasa 178 Chinese ships sa karagatan ng bansa, kabilang ang 17 mga barko mula sa People’s Liberation Army Navy na nakakalat sa maraming maritime feature ng bansa, at 2 Chinese research at survey vessels sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) sa nakalipas na 7 araw, mula Setyembre 24 hanggang 30.
Namataan din sa WPS ang 28 China Coast Guard at 131 Chinese maritime militia vessels.
Matatandaan na inanunsiyo ng China na inorganisa nito ang kanilang hukbong pandagat at panghimpapawid upang magsagawa ng regular reconnaissance, early warning, at mga pagsasanay sa sea at air patrol sa paligid ng Bajo de Masinloc na inaangkin ng China.
Ginawa ng Beijing ang naturang pagsasanay kasabay ng ikaapat na Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) ng Pilipinas kasama ang United States, Japan, Australia, at New Zealand sa exclusive economic zone ng PH.