-- Advertisements --
Umabot sa 170 katao at 38 sasakyan ang kinumpiska ng mga kapulisan sa Canada.
Ito na ang ikalawang araw na pagtanggal ng mga kapulisan sa Ottawa sa mga nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng parliament building.
Ayon kay interim police chief Steve Bell na patuloy ang gagawin nilang pag-aresto dahil sa lumipat ang mga protesters sa ibang lugar.
Itinuturing na ito na rin ang pinakamalaking police operations sa kasaysayan ng Canada.
Aminado rin ang mga kapulisan na napilitan silang gumamit ng pepper spray dahil sa nagiging mapanakit na ang mga protesters.
Magugunitang nagsagawa ng kilos protesta ang mga truckers na kumukuwestiyon sa paghahanap ng vaccination card sa mga dadaan sa border nila ng US.