Umaabot sa 170 pang mga Pinoy mula sa bansang Indonesia ang dumating ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Iniulat ng DFA na tumulong din sa repatriation ang Philippine Embassy sa Jakarta.
Ang naturang bilang ng mga stranded OFWs ay nakahabol makabalik ng bansa sa pamamagitan ng huling available flight.
Sinasabing nakaiwas ang mga kababayan na mapatawan sana ng penalties dahil sa pagiging overstaying.
Samantala, kahapon ng Linggo nasa 300 namang mga kababayan din ang dumating sa Pilipinas sakay ng special commercial repatriation flight mula sa Riyadh, Saudi Arabia.
Tiniyak naman ng DFA na sa pamamagitan ng kanilang Foreign Services Posts sa Saudi Arabia, 24/7 ang kanilang trabaho upang matulungan ang mga distressed nationals na nasa ibang bansa.