Umakyat na sa 170 katao at 13 pang US service members ang binawian ng buhay sa nangyaring pagsabog sa Kabul airport.
Ayon sa Ministry of Health ng Afghanistan, nasa 200 pa ang sugatan sa naturang insidente.
Ayon kay Pentagon spokesperson John Kirby hindi dalawa kundi isa lamang ang naitalang pagsabog sa Abbey gate ng paliparan.
Gayunman, iginiit ni Kirby na target nilang tapusin pa rin sa August 31 deadline ang kanilang evacuation mission.
Sa kabilang dako, pinabulaanan ni Kirby na nakuha na rin ng Taliban ang kontrol sa Kabul airport.
Sa ngayon, hawak pa rin aniya ng US military ang control sa naturang paliparan.
Sa kasagsagan ng pamumuno ng Taliban, malapit nang bumagsak ang banking system ng Afghanistan.
Wala pa rin kasing access sa ngayon ang maraming tao sa bansa sa kanilang pera dahil nahinto na rin ang pagtanggap nila ng kanilang sahod bunsod ng kaguluhan sa mga nakalipas na araw.
Takot din na magbukas sa ngayn ang banking group sa bansa sa posibleng pagdagsa ng maraming customers.
Mababatid na ang ekonomiya ng bansa ay umaasa lamang din sa foreign currency at international aid.