-- Advertisements --
image 566

Nadiskubre ang aabot sa 170 na piraso ng unexploded ordnance o UXO sa isang barangay sa lungsod ng Pasig.

Sa isang pahayag, kinumpirma mismo ito ng Deputy Chief ng Pasig City Police na si Police Col. Gideon Ines.

Ayon kay Ines, nakuha ang nasabing unexploded ordnance habang naghuhukay ng lupa ang isang construction site backhoe operator.

Sa imbestigasyon, mayroong condominium project sa naturang lugar kayat nagresulta ito sa pagkakadiskubre sa naturang unexploded ordnance.

September 15 pa aniya nakuha ang mga pampasabog ngunit naitawag lamang ito sa kapulisan September 19.

Paliwanag ng backhoe operator at security personnel, naghihintay lamang sila ng green light sa management kaya hindi nila kaagad na ireport ang insidente.

Paalala naman ng Pasig City Police, ireport kaagad sa mga awtoridad kung may nadeskubreng unexploded ordnance o UXO upang hindi na ito makapinsala.