Nasa 1,700 pang mga police scalawags na kinabibilangan ng mga ninja cops, kidnappers, extortionists at iba pa ang target na mahuli ngayon ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, ang nasabing bilang ay mga pulis na sangkot sa iba’t ibang iligal na aktibidad.
Sinabi ni PNP chief na tumaas ang bilang ng mga pulis na sangkot sa illegal activities na pumalo na ngayon sa 9,972 as of August 2018.
Pero nasa 1,003 lamang ang subject for police interdiction o buy bust operations.
Batay sa datos ng PNP nasa 654 na mga high value targets (HVTs) ang hindi na ma-locate ngayon sa kanilang mga address, kaya kabilang ito sa imo-monitor ng pulisya.
Nasa 322 naman na mga HVTs ang biktima ng homicide cases under investigation.
Inihayag din ni PNP chief na umaabot sa 258 high value targets na ang napatay sa police operations mula sa bilang na 9,972 na kanilang target.
Nasa 4,968 naman ang sumuko na ngayon ay kanilang binabantayan.
Una nang nag-anunsiyo ang Pangulong Rodrigo Duterte na maglalaan siya ng P5 milyon pabuya kung makapatay ng ninja cop at P10,000 naman kapag buhay na dinala sa kanya.
Paliwanag nama ni PNP chief dahil sa pinalakas na operasyon ng PNP Double Barrel sa iligal na droga at sa “re-calibrated thrust” sa kanilang “internal cleansing” tatlong pulis ang patay sa dalawang magkahiwalay na insidente.
Dalawang pulis din ang patay sa Zamboanga City na umano’y mga nagre-recycle ng iligal na droga na sina PO3 Ronald Olaso at PO2 Maria Oliver Olasco.
Habang isa sa buy bust operation sa Infanta, Quezon na si PO2 Ian Rey Abitona.