-- Advertisements --
Makakatanggap ang halos 17,000 na mga empleyado ng pinansyal na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development mula sa Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Nagkakahalagang P5,000 ang maaaring matanggap ng mga benepisyaryo sa ilalim ng naturang programa ayon sa ahensya.
Karamihan naman sa mga nagregister at naging benepisyaryo nito ay mga sekyu, housekeepers, at mga salespersons na nagtatrabaho ngayon sa isang sikat na mall sa Pasay City.
Pinasinayanan naman ito ni House Speaker Martin Romualdez kasama ang ilan pang mga opisyal ng Maynila.
Layon naman ng ahensya na sa pamamagitan ng AKAP ay matulungan ang mga pamilya na nakakaranas ng pagiging gipit at kabilang na rin ang mga nawalan ng trabaho.