Aaabot na sa 10% o katumbas ng 170,000 ng rehistradong Pilipinong botante sa ibang bansa ang nakaboto na ayon sa Commission on Election (Comelec).
Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkabahala si poll Commissioner Marlon Casquejo sa overseas voting sa ngayon na nasa humigit kumulang 175,266 botante pa lamang ang nakaboto bagamat hindi pa ito accurate dahil ilang mga posts ang hindi nakapagsumite ng bilang ng overseas voters na nakapadala na ng kanilang mail-in ballots.
Ayon kay Casquejo nasa kabuuang 76,745 katao na ang nakabboto sa Asia Pacific.
nasa 13,462 overseas voters naman ang nakaboto na sa Europe, 83,450 Pilipino ang nakaboto naman sa Middle East at Africa.
Sa America nasa inisyal na 1,809 overseas voters ang nakaboto na.
Sa ngayon, hindi pa inisyal pa lamang ang naturang bilang ng overseas voters habang inaantay pang makapagsumite ang ilang foreign service posts gaya ng Philippine embassies, consulates, foreign service establishments, at iba pang Philippine government agencies abroad.