-- Advertisements --
HPG
PNP Highway Patrol Group

Nakahanda na ang 171 HPG personnel para bigyan ng seguridad ang mga VIP na dadalo sa ika-apat na State of the nation address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Ayon kay PNP-HPG Director BGen. Roberto Fajardo nasa 72 motorsiklo at 36 patrol car na siyang gagamitin para mag escort sa mga VIPs.

Inplaced na rin ang latag ng kanilang seguridad sa mga kalye at may mga tauhan na rin silang naka deploy para matiyak na magiging maluwag ang mga kalye patungong Batasan sa Lunes.

Layon nito para hindi maabala ang mga VIP sa kanilang pagpunta sa Congress at ang kanilang pauwi.

Alam na rin ng mga HPG personnel kung saan dadaan ang mga convoy ng mga VIP.

May mga designated area na ang mga rallyista kaya hindi na ito makakasagabal sa mga lugar na daanan ng mga convoy.

Kabilang sa escortan ng HPG ay mga senador,congressmen, top government officials at iba pang VIPs.

Tiniyak naman ni Fajardo na may sapat na trainings ang mga HPG personnel sakaling magkaroon ng mga untoward incidents lalo na kung may pagsabog.