-- Advertisements --
2017 Bar topnotcher Mark John Simondo (FB photo)

 

Bumida ang law graduate mula sa University of St. La Salle Bacolod matapos na mag-number one sa 2017 Bar examinations.

Mismong si Supreme Court Associate Justice Lucas P. Bersamin ang nag-anunsiyo ng mga nanguna sa pagsusulit kung saan nasa 1,724 lamang ang nakapasa sa Bar mula sa 6,748 examinees.

Naging topnotcher si Mark John Simondo na may score na 91.05 percent.

Kung maaalala isinagawa ang bar examinations sa apat na Linggo noong buwan ng Nobyembre sa University of Santo Tomas (UST) sa Maynila noong nakaraang taon.

Ang Bar examination ay binubuo ng walong subjects: Political Law, Civil Law, Taxation, Labor Law, Criminal Law, Remedial Law, Mercantile Law, at Legal and Judicial Ethics.

Noong 2016 Bar exams ang estudyante mula sa University of San Carlos na si Karen Mae L. Calam ang nag-No. 1 na may rating na 89.05 percent.

Narito ang Top 10 Bar examinees:

1.Simondo, Mark John H. Univ of St. La Salle 91.05%
2.Balili, Chriastianne Mae C. Univ. of San Carlos 90.80%
3.Camille B. Remoroza, Ateneo de Davao University, 90.70%
4.IvanneD’laureil I. Hisoler, University of San Carlos, 89.55%
5.Monica Anne Yap, San Beda College – Manila, 89.45%
6.Lorenzo Luigi Gayya, University of Sto. Tomas, 89.10%
7.Rheland S. Servacio, University of San Carlos, 89.00%
8.Krizza Fe Alcantara-Bagni, St. Mary’s University, 89.90%
AlgieKwillon Mariacos, San Beda College Manila, 89.90%
9.Klinton Torralba, University of Sto. Tomas, 88.65%
10.Emma Ruby Aguilar, University of Sto. Tomas, 88.40%