CENTRAL MINDANAO-Abot sa 173 na mga indibidwal ang nabigyan ng tulong medikal mula sa programang Medical-Dental Mission ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.
Sa tulong ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), Rural Health Unit (RHU), Barangay Health Workers at ilang mga health volunteers matagumpay na nabigyan ng serbisyo ang mga residente ng Barangay Midpapan 1, Pigcawayan, Cotabato.
Sa datos na isinumite ng IPHO, abot sa 132 ang tumanggap ng medical check-up, 30 ang matagumpay na nabunotan ng ngipin at 11 naman ang nabakunahan kontra Covid-19.
Ang programang pangkalusugan ni Governor Mendoza ay patuloy na maghahatid ng serbisyong medikal sa mga taong lubos na nangangailangan lalong-lalo na sa mga malalayong barangay ng lalawigan.