-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na patuloy pa rin ang ginagawang repatriation ng mga overseas Filipino workers simula noong buwan ng Abril.

Sa isinagawang public briefing ng MalacaƱang kagabi, inaasahan na mas marami pang Pinoy ang babalik ng bansa dahil na rin sa lumalalang krisi dulot ng coronavirus pandemic.

Noong March ng simulan ng national government ang pagpapauwi sa mga Pilipino makaraang karamihan sa mga ito ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsadsad ng ekonomiya ng iba’t ibang bansa.

Kasama na rito ang mga manlalayag na karamihan ay nagtrarabaho sa mga shipping lines na nakabase sa China, Japan, India, Canada at Estados Unidos.