GENERAL SANTOS CITY – “Lahat dumaan sa proseso subalit hindi kontrolado ang sitwasyon ng mga OFW pagdating sa ibang bansa.”
Ito ang binigyang diin ni Nur Juanday ng Public Employment Service Office matapos hinawakan ang 210 na mga welfare cases matapos inabuso ng kanilang mga employer.
Dagdag ni Juanday, nasa 124 kaso ang naresolba ng embahada habang tatlong domestic helper ang pinauwi ng bansa partikular sa GenSan at Sarangani province.
Reklamo ng mga ito ang hustong oras sa pagkain, pasweldo at tulog.
Sinabi naman ni Kristine Marie Sison, OIC ng OWWA-12 na kabuuang 1,743 na mga OFW ang inabuso sa taong 2019.
Kinabibilangan ito ng 349 mula sa Sarangani at GenSan, 622 mula sa South Cotabato, 345 mula sa Cotabato City at 111 nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Region 12.
Payo ng OWWA na paghandaan ang pag-abroad at kung maabuso kaagad tumawag sa ahensiya ng gobyerno at humingi ng tulong.
Una nang nilagdaan na ni DOLE Sec Silvestre Billo lll ang partial temporary van sa deployment ng mga OFW patungong Kuwait.