-- Advertisements --
Mayroong 176 katao pa ang nawawala dahil sa naganap na malawakang pagbaha sa western Europe isang linggo na ang nakakalipas.
Aabot sa 158 ang naiulat na nawawala habang mayroong 18 ang nawawala pa sa Belgium.
Sa kabuuan ay aabot sa 205 na ang nasawi kung saan pinakagrabeng naitalang nasawi ay ang Germany na mayroong 173 habang 32 ang nasawi sa Belgium.
Aminado ang federal disaster relief organization na posibleng makita pang buhay ang mga biktima.
Nagbunsod ang malawakang pagbaha dahil sa ilang araw na pag-ulan kung saan isinisi naman ng ilang opisyal ng nabanggit na mga bansa ang climate change.