-- Advertisements --
Nagsanay at nagtapos na sa iba’t ibang kurso ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang abot sa 176 na trainees mula sa Pigcawayan, Cotabato.
Sinanay sa masonry, carpentry, handloom weaving, at food processing ang 176 trainees.
Iginawad sa mga nagsipagtapos ang kanilang Certificate of Training, maging ang kanilang allowance.
Ang mga pagsasanay ng TESDA ay magkatuwang na ipinatutupad sa bayan ng lokal na pamahalaan, TESDA Provincial Training Center-Pigcawayan, at Public Employment Service Office.
Umaasa naman si Mayor Jean Dino Roquero na magagamit ng mga nagsipagtapos ang kanilang natutunan sa mga pagsasanay upang magkaroon ng trabaho o hanapbuhay.